Menu
Philippine Standard Time:

TPES, WAGI SA DMEA

ROWELA R. CADAYONA

Timoteo Paez Elementary School, nagwagi sa Division Monitoring Evaluation and Adjustment SY2019-2020, na ginanap noong ika 28 ng Disyembre 2020,sa Dibisyon ng Pasay na pinangunahan nina Dr. Loreta B. Torrecampo CESO V, Schools Division Superintendent, Dr. Arturo A. Tolentino, OIC-Assistant Schools Division Superintendent, kasama sina G. Librado F. Torres, Chief EPS-CID at Dr. Myrna B. Gaza, Chief EPS-SGOD, Senior Education Program Specialist II for Monitoring and Evaluation, Gng.. Flerida S. Pajarillaga, at Senior Education Program Specialist I for Monitoring and Evaluation Gng. Fatima P. Fajardo

    Isang napakahabang proseso ang ating pinagdaanan,maraming tao ang pinakiusapan, may nagkatampuhan, may mga luha pero mas marami ang halakhakan, nalilipasan ng almusal, at maging ng hapunan,maraming gabing pagpupuyat, ilang tasa ng mainit na kape ang lumamig at hindi na nainom, maraming pagsubok sa samahan at maging sa pinagsamahan.Pero nangibabaw ang kagustuhan na kailangang makita ang kagandahan ng isang proyekto na kung saan dapat mapatunayan na ang mga proyekto ng paaralan ay natutugunan ang pangangailangan ng paaralan at higit sa lahat ay sasagot sa tanong na makatutulong ba ito sa ating mga mag-aaral. Kailangan ang pagpaplano,kailangang marinig ang boses ng mga kliyente,at sundin ang suhesyon ng mga eksperto. May mga pinapalitan, may idinadagdag at meron din namang inaalis. Ang makita mong naging maganda ang kinalabasan at nabigyan ng solusyon ang mga suliranin ay isa ng achievement.Ngunit kung mapili ang mga proyekto at maparangalan ay sobra ng biyaya.Marami ang kalahok sa patimpalak at ang  proyekto ng   ating paaralan ay  hindi lang isa kundi tatlo pa ang nagwagi at itinuring na SMEA Best Practices Awardees sa Dibisyon  ito ay talaga namang pagpapala.Nakakataba ng puso ang mga plake, nagsisilbing inspirasyon para ipagpatuloy ang mga gawain,nakakawala ng pagod ang mga palakpakan, at mga pagbati.Looking forward ulit sa mga susunod na proyekto. Para sa Bata, Para sa bayan.