TPES: Ika-2 taon ng Kindergarten Junior Master Chef, isinagawa
Muling isinagawaang Kindergarten Junior Master Chefsa TPES bilang bahagi ng selebrasyon sa Buwan ng Nutrisyon ngayong ika-19 ng Hulyo 2019 na kung saan nagkaroonng paligsahan ang mga batang Kindergarten sa paggawa ng fruitsalad at egg sandwich.Layunin nito na pa-igtingin ang kakayahan ng mga munting mag-aaral sa paghahanda ng mga simple at masustansiyang pagkain.
Sinimulan ang palatuntunan saisang makabuluhang mensahe ni Gng. Glenda D. Tabaquiraoang ating punungguro at pinahayag naman ni Gng. Rowela R. Cadayona, Master Teacher sa Kindergarten ang kahalagahan ng wastong nutrisyon at kasabay nito ay pinasalamatan niya rin ang mga magulang sa pagbibigay ng suporta sa makabuluhang gawaing ito.
Ang isinagawang patimpalak ay hinati sa dalawang kategorya. Ito ay dinaluhan ng iba’t ibang hurado na kinabibilangan nina Bb. Rosemarie J. Fariñas Gng. Rowela R. Cadayona, Gng. Maria Aurora R. Banog,para sa paghahanda ng fruit salad at sina Gng. Eufemia O. Estopin, at Gng. Jessica L. Madronio para sa paggawa ng Egg Sandwich.
Sa kategoryang Fruit Salad Making, ang unang gantimpala ay napanalunan ni Amirah Fahtima Tubig mula sa Kinder- Courteous, pumangalawa si Kathleen Jane Pollo mula sa Kinder- Love at pumangatlo si Yoanie Rein Donos mula sa Kinder- Sincere.
Sa kategoryang Egg Sandwich Making naman ay nakamit ang unang puwesto ni Jann Nielsen Dadulla mula sa Kinder- Love, pumangalawa si Kashie Elyse Fajardo mula sa Kinder- Marvelous at pumangatlo si Keren Jerusha Pintes mula sa Kinder- Helpful.
Ang mga batang pinalad na makasungkit ng puwesto ay nakatanggap ng medalya at sertipiko ng pagkilala. Tumanggap din ng mga sertipiko ng pagpapahalaga ang mga batang sumali sa patimpalak.