Menu
Philippine Standard Time:
BuwanngWikaatKasaysayan4.jpeg
BuwanngWikaatKasaysayan1.jpeg
BuwanngWikaatKasaysayan6.jpeg
BuwanngWikaatKasaysayan3.jpeg
BuwanngWikaatKasaysayan7.jpeg
BuwanngWikaatKasaysayan8.jpeg
BuwanngWikaatKasaysayan5.jpeg
BuwanngWikaatKasaysayan2.jpeg
previous arrow
next arrow

          Ang Timoteo Paez Elementary School ay muli na namang nakiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika na ginugunita ng buong bansa alinsunod sa Pampanguluhang Proklamasyon 1041. Ito ay itinakda upang isapuso at maunawaan ng bawat mamamayang Pilipino ang tunay na diwa at kahalagahan ng Wikang Filipino.Adhikain din nitong lalo pang pagyamanin at palawakin ang paggamit ng ating sariling wika.           Ang selebrasyon ng Buwan ng Wika sa taong ito ay may temang , Filipino, Wika ng Saliksik. Ito ang nagsilbing ugat ng programa upang gisingin ang kamalayan ng lahat sa kahalagahan ng ating wika sa pang araw-araw na pakikisalamuha sa lipunan.           Sinimulan ang pagdiriwang noong Agosto 1, 2018, sa pamamamgitan ng isang makulay na parada na nilahukan ng mga guro , magulang at mga mag-aaaral sa iba’t ibang baitang .Ipinagmamalaki nilang isinuot ang iba’t ibang kasuotang Pilipino na lalong nagpatingkad sa nasabing parada. Matapos ito’y nagkaroon ng maikling programa upang maipabatid sa mga mag-aaral ang iba’t ibang aktibidad kaugnay sa pinagsabay na pagdiriwang ng Buwan ng Wika at Kasaysayan.           Tunay ngang naipakita ng bawat mag-aaral mula sa iba’t ibang baitang ang kanilang husay at talento sa Pagtula, Pagsayaw, Paglikha ng Poster / Slogan, Pagkukuwento, Pagsulat ng Sanaysay at Kwiz Bee para sa Araling Panlipunan. Naging mainit ang tunggalian sa bawat patimpalak. Bawat isa ay nagtangkang sungkitin ang Unang Puwesto.          Idinaos ang pampinid na palatuntunan nito lamang Setyembre 5, 2018. Dinaluhan ito ng mga magulang , mag-aaral, guro at ni Gng Glenda D. Tabaquirao, Punongguro IV na masayang iginawad ang parangal sa lahat ng mga nagwagi. Natapos ang palatuntunan na naipaunawa sa mga mag-aaral ang diwa at kahalagahan ng Wikang Filipino.          Matagumpay na naipagdiwang ng TPES ang Buwan ng Wika at Kasaysayan dahil sa pagtutulungan at pakikiisa ng mga guro sa bawat baitang at sa pangunguna na rin ng mga koordineytor na sina Edwina Editha M. Dola, ( AP ) at Wilma B. Orjaleza / Felina R. Federis, (Filipino).