Menu
Philippine Standard Time:

“Di lang inumin, pang-isports pa!” Ito ang maaaring sabihin sa pagpunta ng kinatawan ng Milo Nestle Philippines sa pangunguna ni Bb. Anna Lopez, project coordinator at pakikipag-ugnayan kay Gng. Glenda D. Tabaquirao, punongguro ng Paaralang Elementaryang Timoteo Paez noong Pebrero 15. Hindi lang kalusugan at sustansyang makukuha sa pag-inom ng Milo ang binibigyang pansin ng nasabing produkto kundi maging ang paglinang ng talento ng mga kabataan sa larangan ng isports. Tinuruan ng ilang coaches ang mga mag-aaral ng T. Paez ng basic moves sa larangan ng basketball, football soccer at volleyball. Samantala ang mga magulang naman ay hinikayat na pahalagahan ang kalusugan sa pamamagitan ng regular na pag-eehersisyo. Naging tagapagsanay naman ang head coach na sina Edgar Cajes, Warren Cajes, Alexander Simporios at mga asst. coach na sina Reymar Meña, Micro Cajes, Jomar Roque, Elymar Francisco, Jefhenson Gravador, Jan Sumanga, Gajion Dulla, Atong Madelo, Lhoyd Sapio at Edwin Balidio. Sa kabuuan, naging makabuluhan ang isang araw na aktibidad ng naturang kompanya.